Publiko, hinimok na pagtiwalaan ang COVID-19 vaccination program ng gobyerno

By Erwin Aguilon January 31, 2021 - 10:24 AM

Umaapela si San Jose del Monte City, Bulacan Rep. Rida Robes sa publiko na pagkatiwalaan ang pamahalaan sa pagsusumikap nito na maplantsa ang COVID-19 vaccination program.

Ayon kay Robes,chairman ng House Committee on People’s Participation, ang kailangan ngayon ay manalig ang publiko sa pamahalaan na magtatagumpay ang COVID-19 vaccination program.

“As Chairman of the Committee on People’s Participation, I would like to encourage all my fellow Filipinos to put their faith and trust in the government on the proposed COVID-19 vaccination program,” saad ni Robes

Anya, ang Department of Health, Food and Drug Administration, Department of Science and Technology, at Interagency Task Force on Emerging and Infectious Diseases ay walang pagod na nagta-trabaho para lamang matiyak na makakakuha ang bansa ng ligtas at epektibong mga bakuna laban sa COVID-19.

“The Food and Drug Administration, Department of Science Technology, Department of Health and Interagency Task Force on Emerging and Infectious Diseases have been carefully studying the vaccines since October 2020,” sabi pa ng mambabatas.

Maging ang mga lokal na pamahalaan sa bansa anya ay may mga vaccination plan na rin, upang masiguro na mababakunahan ang lahat.

Dagdag ni Robes, mas mainam para sa lahat na magkaroon ng kumpiyansa sa mga bakuna, lalo’t marami pa rin ang nangangambang magpaturok base sa mga nakalipas na ulat at surveys.

Sa bandang huli, sinabi ni Robes na  hangad ng pamahalan na mawala na ang banta ng COVID-19 gaya ng panalangin ng lahat na matapos na ang pandemya.

Giit ni Robes, “Let us have confidence in the works of research and science that the vaccine is safe to administer. Rest assured, that the Philippine government wants everyone in the country to be free from the threat of COVID-19, because together, we heal as one.”

Ang pahayag ng mambabatas ay sa harap ng patuloy na agam-agam ng ilang mga tao sa diskarte ng gobyerno sa pagkuha ng mga bakuna, na sinabayan pa ng mga takot na magpaturok.

 

 

TAGS: COVID-19 vaccination, Rep. Rida Robes, san jose del monte, COVID-19 vaccination, Rep. Rida Robes, san jose del monte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.