Surigao del Sur, niyanig ng lindol

Phivolcs Facebook photo

Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Surigao del Sur, linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Naiatala ito dakong 8:34 ng umaga sa layong 60 kilometro, Timog-Silangan ng Bayabas, Surigao del Sur.

May lalim ang lindol na 11 kilometro.

Wala namang naiulat na intensity ang nasabing pagyanig.

 

Read more...