Magnitude 3.1 na lindol yumanig sa Lubang Island, Occidental Mindoro
By Erwin Aguilon January 31, 2021 - 09:10 AM
Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro, linggo ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang lindol dakong 6:11 ng umaga.
Naitala ito sa layong 55km Timog-Kanluran ng Lubang Island, Occidental Mindoro at may lalim na 116kms.
Tectonic ang sinasabing pinagmulan ng lindol.
Wala namang naiulat na intensity ang nasabing paggalaw ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.