Super Champion belt ni Pacquiao tinanggal na

Tinanggalan ng World Boxing Association ng Super Champion belt si Pambansang kamao at Senador Manny Pacquiao.

Ito ay dahil sa hindi pagiging aktibo ni Pacquiao sa boksing.

Dahil dito, ideneklara si Pacquiao na Champion in Recess.

Ayon sa website ng WBA, napanalunan ni Pacquiao ang Super Champion belt noong Hulyo 2019 nang talunin ang Amerikanong boksingero na si Keith Thurman.

Pero simula noon, hindi na naidepensa ni Pacquiao ang kanyang belt.

Na-promote naman bilang Welterweight Super Champion si Cuban boxer Yordenis Ugas.

Sa Twitter ni Ugas, sinabi nito na handa siyang makalaban si Pacquiao.

 

Read more...