Duterte admin doble kayod dahil sa pandemya sa Covid 19

By Chona Yu January 30, 2021 - 09:56 AM

Photo credit: Sen. Bong Go

Doble kayod na ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte para palakasin ang ekonomiya ng bansa at matugunan ang problema sa gutom.

Ayon kay Senador Bong Go, pinagsusumikapan ni Pangulong Duterte na makalikha ng trabaho kahit may pandemya sa Covid 19.

Tugon ito ni Go sa ulat ng Philippine Statistics Authority na pumalo sa -9.5 percent ang economic contraction noong 2020, pinakamababa sa kasaysayan ng Pilipinas mula noong 1947.

“Lahat po tayo, buong mundo ay apektado rito sa pandemyang ito. Maraming negosyo ang nagsara, marami pong tao ang nawalan ng trabaho. Hindi lang po ang ating bansa ang tinamaan po rito sa pandemyang ito,” pahayag ni Go.

Unti-unti na aniyang binubuksan ang ekonomiya para makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga Filipino.

Ayon kay Go, tutukan ng gobyerno ang kahirapan, pagkagutom, trabaho, bakuna kontra Covid 19 at iba pa.

“Ipaglalaban ko ang tatlong adhikain na ito sa loob at labas ng Senado—ang pagsugpo sa gutom; ang pagkakaroon ng sapat, ligtas at epektibong bakuna, at ang pagpapalakas sa ekonomiya at kabuhayan ng bawat Filipino,” pahayag ni Go.

TAGS: bong go, COVID-19, Rodrigo Duterte, bong go, COVID-19, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.