Lupa para pagtayuan ng pamilihang bayan at terminal, ibinigay ng DAR sa Tanay
(Photo courtesy: DAR)
Ibinigay na ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones ang deed of transfer sa lokal na pamahalaan ng Tanay ang lupang pagtatayuan ng isang pamilihang bayan at terminal ng mga sasakyan.
Ayon kay Castriciones, ang pagtatayo ng isang pampublikong pamilihan ay magbibigay sa mga residente, lalo na sa mga magsasaka, ng pamilihan na malapit sa kanila kung saan maaari silang bumili at makapagbenta ng kanilang mga ani. Ang pagtatayo ng terminal ng transportasyon ay malaking tulong sa mga magsasaka at residente upang sila ay madaling makarating sa mga pamilihan at kalapit na mga barangay.
“Bukod sa loteng ito, maaasahan kami ng lokal na pamahalaan na tutulong sa mga magsasaka dito. Handa kaming ibigay ang aming tulong sa pamamagitan ng mga suportang serbisyo tulad ng pautang, pagbibigay ng mga makinang pang-saka at iba’t-ibang pagsasanay para sa modernong pagsasaka at pagnenegosyo,” pahayag ng kalihim.
Nabatid na ang 2,646 sqm lot na matatagpuan sa Barangay Sampaloc ay napapalibutan ng 10 mga barangay kabilang ang Barangay Cuyambay, Daraitan, San Andres, Sto. Nino, Cayabu, Laiban, Mamuyao, Sta. Ines, Tinucan at Madilay-dilay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.