Valenzuela LGU, ipinag-utos ang pagsasara ng laboratoryong may alok na swab test kahit hindi lisensyado
Ipinag-utos ng Valenzuela City government ang pagsasara at suspensiyon ng business permit ng laboratoryo na may alok na RT-PCR swab tests sa kabila ng kawalan ng lisensya.
Hindi kasi itinuturing na accredited COVID-19 testing facility ang Bestcare Medical Clinic and Diagnostic Center, Inc. sa bahagi ng Barangay Karuhatan.
Nilabag din ng Bestcare ang mga probinsyon ng Republic Act 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concerns Act dahil sa kabiguang i-report ang COVID-19 test results.
Naglalabas din umano ang naturang laboratoryo ng RT-PCR results nang walang lisensiya bilang COVID-19 testing laboratory.
Kabilang sa ground ng suspensiyon ng business permit ay ang mga sumusunod:
– Violation of Mayor’s Permit
– Violation of Waiver/Undertaking
– Violation of Consumer Rights,
– Violation of the provision of the Local Government Code on General Welfare
Ipinag-utos ang pagsasara at suspensiyon ng business permit sa dalawang branch nito sa Barangay Karuhatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.