Ayon sa Russia nasa 1.9 milyong dolyar ang halaga ng mga explosives at mga industrial chemicals ang na-smuggle sa border ng Turkey.
Sa liham ni Russia United Nation Ambassador Vitaly Churkin sa UN Secuiry Council na ang Turkey ang pangunahing supplier ng armas ng mga IS fighters kung saan ang nasabing pagbibigay ng mga armas ay pinangungunahan mismo ng National Intelligence Organization ng Turkey gamit ang mga sasakyan bilang bahagi ng humanitarian convoys.
Sa kasalukuyan wala pang sagot mula sa UN Mission ng Turkey patungkol sa isyu.
Nagsimula ang air campaign ng Russia mula noong Setyembre 30 upang tulungan ang kaalyado nitong Syria sa limang taon ng giyera sa naturang bansa na pumatay na sa mahigit na 250,000 na katao.
Suportado din ng Estados Unidos ang pagtarget sa mga bandidong grupo gamit ang airstrikes kasama ang Russia.
Sa pagtataya ng international coalition na pinangungunahan ng US nasa 40 percent na ang nawala sa teritoryong hawak ng nasabing grupo sa Iraq at 20 percent naman sa Syria.