Lima pang Filipino abroad, nasawi dahil sa COVID-19

May 33 na bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang January 29, nasa 13,938 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 85 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 4,069 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Nasa 26 naman ang bagong gumaling kung kaya 8,919 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Lima naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 950 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,881 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 2,473 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 814 naman ang kaso sa Americas at 2,770 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...