87 pang residente ng Maynila, positibo sa COVID-19

By Angellic Jordan January 29, 2021 - 02:25 PM

Karagdagang 87 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Biyernes ng tanghali (January 29), sumampa na sa 26,367 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 371 ang aktibong kaso.

Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 62 active cases.

Sumunod dito ang Tondo 1 na may 48 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.

Nasa 89 residente naman ang bagong gumaling at may isang bagong nasawi.

Dahil dito, umabot na sa 25,213 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 783 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Manila, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Manila, COVID-19 deaths in Manila, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 recoveries in Manila, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.