Ipinunto ng dating hepe ng pambansang pulisya na dalawa sa pangunahing mandato ng PNP ay crime prevention at crime solution.
Aniya, bagamat hindi naman 100 porsiyentong magagawa na mapigilan ang pagkakaroon ng krimen, dapat lang tiyakin ng PNP na mareresolba ang mga ito.
“The policeman cannot be everywhere every time, pwedeng hindi niyo mapigilan ang krimen dahil wala kayo doon. But alam naman natin na merong diskarte dyan para mapigilan, through active enforcement,” aniya.
Dagdag pa nito, “pero itong pangalawa na crime solution ay dapat [kapag] nangyari na ang krimen, kailangan ma-solve natin. Otherwise, kung itong krimen na ito hindi na natin na-prevent, afterwards hindi pa natin na-solve, malaking kwestyon sa taumbayan yan.”
Diin pa ni dela Rosa, kapag hindi nareresolba ang krimen kadalasan ay napapagdudahan na ang pulisya.