Sen. Go: Pagbenta sa isang Pinay sa Syria dapat imbestigahan

By Jan Escosio January 29, 2021 - 09:46 AM

Nabahala si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga ulat ng pagbebenta sa mga Filipina sa Syria at naabuso ng kanilang mga amo.

Isa ang isyung ito kaya’t itinutulak niya ang pagkakaroon ng Department of Overseas Filipinos.

Aniya sa pamamagitan ng DoFil ay mas mabibigyan proteksyon  at mapapangalagaan ang mga Filipino na nasa ibang bansa.

“Bagong bayani kung ituring natin sila na halos 10 porsiyento ng ating populasyon. Sana naman ay suklian natin nang mas maayos at mas mabilis na serbisyo ang kanilang sakripisyo para sa kanilang pamilya at sa bayan,” sabi ng senador.

Sabi pa nito nakakadurog ng puso ang pang-aabuso sa OFWs sa ibang bansa.

Nalaman ni Go ang nangyari kay Josephine Tawaging, na mula Dubai ay ipinadala sa Syria kung saan siya inabuso ng amo.

Nangako ito na makikipag ugnayan siya sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at personal na tutukan ang kaso.

“Kung kailangang imbestigahan ang modus na ito o kung merong sindikato na nasa likod nito, dapat gawin na ito upang maiwasan ang mga kasong ito,” diin ng senador.

TAGS: bong go, Josephine Tawaging, ofw, syria, bong go, Josephine Tawaging, ofw, syria

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.