Sa palagay ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III dapat ay gawin election issue na ang pagsusulong ng mga pagbabago sa Saligang Batas.
Aniya dapat ay madinig ang opinyon ng mga kandidato sa eleksyon sa susunod na taon ukol sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha.
“Let’s make charter change an election issue. Candidates in the 2022 elections must be asked their position on the specifics of the various proposed charter amendments,” aniya.
Samantala, sinabi ni Senador Francis Pangilinan na kinakailangan na madinig ang lahat ng panig kayat itutuloy lang ang pagdinig ng pinamumunuan niyang Committee on Constitutional Amendments.
Aniya mahalaga na marinig ang tinig ng Department of Finance at NEDA sa isyu, gayundin ang mga mula sa sektor ng pagnenegosyo.