Kadiwa rolling stores, dapat dagdagan ng gobyerno
Hinimok ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang Department of Agriculture (DA) at ang Department of Interior and Local Government (DILG) na maglagay pa ng mas maraming rolling stores sa pamamagitan ng Kadiwa Ni Ani at Kita Program.
Sa gitna pa rin ito ng napakataas na presyo ng mga bilihin partikular ng karne, gulay at iba pang pagkain.
Sa inihaing House Resolution No. 1495, sinabi ni Vargas, chairman ng House Committee on Social Services na walang katiyakan kung kailan magiging stable ang presyo ng mga bilihin at sa bawat araw na lumilipas ay dumarami ang nagugutom na mga Pilipino.
Ang Kadiwa ay isang market system nagbebenta ng mga ani sa mababang halaga para makatulong sa mahihirap, gayundin sa mga magsasaka at mangingisda dahil sa kanila direktang kinukuha ang mga produkto.
Ginawa ang programa sa pagtutulungan ng DA, DILG, at Food Terminal Inc. (FTI), na may tatlong klase – ang Kadiwa on Wheels, Kadiwa Retail, at Kadiwa Online.
Una rito, umapela rin sa Vargas sa DSWD na ikunsidera ang pagpapalawig ng dagdag na cash assistance sa mahihirap na pamilyang Pilipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.