Pag-alis sa taripa sa importasyon ng karneng baboy, papatay lamang sa local industry – Zarate

By Erwin Aguilon January 28, 2021 - 06:35 PM

Sinopla ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang nais ng meat importers na alisin ang taripa sa iniaangkat na karneng baboy.

Ayon kay Zarate, lalo lamang papatayin ng pagtangga ng taripa sa importation local hog at poultry industry.

Giit nito, ang malalaking hog raisers at meat processors lamang ang makikinabang sa hakbang na ito at mapag-iiwanan ang maliliit at lokal na magbababoy.

Sa halip na pagtanggal sa taripa ang dapat aniyang gawin ay tulungan ng pamahalaan ang mga ito sa pamamagitan ng subsidiya upang makaahon mula sa pinsalang dulot ng African Swine Flu, bird flu at ng COVID-19.

Nanawagan din ito sa mga LGU at Department of Agriculture na direktang bilhin ang paninda ng mga magsasaka at ibenta ito sa mas mababa o subsidized rate.

TAGS: 18th congress, Inquirer News, meat processors, Radyo Inquirer news, Rep Carlos Zarate, 18th congress, Inquirer News, meat processors, Radyo Inquirer news, Rep Carlos Zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.