57 pang residente ng Maynila, gumaling sa COVID-19
Karagdagang 47 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Batay sa MEOC COVID-19 monitoring hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (January 28), sumampa na sa 26,275 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 369 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng active COVID-19 case sa Sampaloc na may 72 active cases.
Sumunod dito ang Tondo 1 na may 51 na aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Nasa 57 residente naman ang bagong gumaling at may isang bagong nasawi.
Dahil dito, umabot na sa 25,124 ang kabuuang bilang ng naka-recover mula sa sakit sa Maynila habang 782 na ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.