Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (January 28), umabot na sa 519,575 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 33,427 o 6.4 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,169 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.8 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.3 porsyento ang asymptomatic; 0.47 porsyento ang moderate; 2.3 porsyento ang severe habang 3.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 71 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 10,552 o 2.03 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 60 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 475,596 o 91.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.