Palasyo maglalabas ng EO para sa price cap sa baboy, manok

May ikinakasa ng executive order ang Palasyo ng Malakanyang para sa price cap sa baboy at manok.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa nalalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO.

Pero asahan na aniyang ilalabas ito ng Palasyo sa mga susunod na araw.

Una nang umangal ang mga mamimili sa mataas na presyo ng baboy at manok sa gitna ng pandemya sa COVID-19.

Dahi dito, agad na nagrekomenda ang Department of Agriculture kay Pangulong Duterte na maglabas ng EO para makontrol ang presyo ng baboy at manok.

Read more...