Isasara sa lahat ng sasakyan ang General Tinio U-turn slot sa Caloocan City, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa MMDA, magsisimula ang pagsasara ng nasabing U-turn slot simula sa February 1, 2021.
Sinabi ng ahensya na layon nitong matiyak na hindi magkakaroon ng pagkaantala sa mga bus sa ilalim ng EDSA Busway project upang mas mabilis na makabiyahe ang commuters.
Inabisuhan ang mga maaapektuhang sasakyan na lumiko sa Balintawak Cloverleaf patungo sa destinasyon.
Maglalagay naman ng directional signs upang mabigyan ng gabay ang mga motorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.