Service Contracting Program website at bagong feature sa Sakay.ph, ilulunsad na

Ilulunsad na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang website ng Service Contracting Program sa darating na Biyernes, January 29, 2021.

Maliban dito, ilulunsad din ang commuter’s feedback, bagong feature ng mobile app na Sakay.ph.

Sa naturang feature, maaaring makapagbigay ng opinyon ang mga commuter ukol sa kanilang naging karanasan sa serbisyo ng mga drayber sa ilalim ng Service Contracting Program.

Maaaring magpre-register ang mga interesadong Traditional Public Utility Jeepney (TPUJ) drivers sa Service Contracting Program.

Sa naturang website rin mapapanood ang video ng orientation ukol sa Service Contracting Program.

Read more...