79 pang residente sa Eastern Visayas, positibo sa COVID-19

May 79 pang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 9:00, Huwebes ng umaga (January 28), umakyat na sa 13,732 ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.

Sa nasabing bilang, 670 o 4.88 porsyento ang aktibong kaso.

30 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.

Bunsod nito, umabot na sa 12,884 o 93.82 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.

Nasa 178 na ang mga residenteng nasawi o 1.30 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...