FDA nagbabala laban sa SM Bonus Cebo de Macho
Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko hinggil sa pagbili ng SM Bonus Cebo de Macho.
Ayon sa FDA, sa pamamagitan ng post-marketing surveillance, natuklasang walang Certificate of Product Notification ang nasabing produkto hanggang January 12, 2021.
Alinsunod sa Republic Act No. 9711 o Food and Drugs Administration Act of 2009, bawal ang pag-manufacture, importation, exportation, pagbebenta, distribution, transfer, non-consumer use, promotion, advertising o sponsorship nang walang proper authorization mula sa ahensya.
Sinabi ng ahensya na hindi dumaan sa notification process ang produkto kung kaya hindi tiyak kung ligtas itong gamitin.
“All concerned establishments are warned not to distribute violative cosmetic products until they have fully complied with the rules and regulations of the FDA,” pahayag pa nito.
Maaaring i-report ang pagbebenta ng mga hindi rehistradong produkto sa pamamagitan ng eReport sa www.fda.gov.ph/ereport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.