Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 101,441,177 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 26,166,201 cases.
Sumunod na rito ang India na may 10,702,031 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 9,000,485 naman ang kaso sa Brazil habang 3,774,672 ang napaulat na kaso sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 3,715,054
– France – 3,106,859
– Spain – 2,774,014
– Italy – 2,501,147
– Turkey – 2,449,839
– Germany – 2,179,679
– Colombia – 2,055,305
– Argentina – 1,896,053
– Mexico – 1,806,849
– Poland – 1,489,512
– South Africa – 1,430,648
– Iran – 1,392,314
– Ukraine – 1,200,883
– Peru – 1,113,970
– Indonesia – 1,024,298
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,184,273 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 73,328,475 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.