Hirit na umento sa sahod, dapat pag-aralan muna-DOLE

Naniniwala si Labor Secretary Silvestre Bello III na dapat nap ag-aralan muna ang hirit ng mga manggagawa na umento sa sahod.

Ayon kay Bello, maari kasing mapilitan ang ilang kompanya na magsara kung ipipilit ang umento sa sahod lalo’t may kinakaharap pa na pandemya sa Covid 19.

Dahil dito, sinabi ni Bello na maaring lomobo lamang ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Sa hirit ng mga manggagawa, nais nilang itaas ang sahod sa P700 hanggang P750 kada araw mula sa kasalukuyang sahod na P537.

Sinabi pa ni Bello na ang mahalaga ngayon, may trabaho at may tinatanggap na sahod ang mga manggagawa.

Una nang umaangal ang mga manggagawa dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin.

 

Read more...