Isang empleyado ng MRT-3 depot nasawi sa COVID-19

Isang empleyado ng MRT-3 depot sa Quezon City ang nasawi dahil sa Covid-19.

Ayon kay Transport Undersecretary for Railways Timothy John Batan, isa ang nasawi sa 36 nilang personnel sa depot na nagpostibo sa sakit.

Bukod sa 36 na tinamaan ng Covid-19 na empleyado MRT-3 depot, mayroon pang anim na mula sa maintenance service provider Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries ang nagpositibo dito.

Wala naman ayon kay Bathan na naiuulat pang nagkasakit mula sa anumang istasyon ng MRT-3.

Sabi ng DOTr, sumasailalim na sa quarantine ang mga tauhan nila na nagpositibo sa sakit.

Sa ngayon sabi ng kagawaran, work from home muna ang kanilang mga empleyado sa MRT-3 depot simula noong isang linggo habang may mangilan-gilan naman na essential office personnel ang pumapasok physically matapos mag-negatibo sa swab test result.

 

 

Read more...