Ibinasurang panukala para bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, ‘moot and academic’ na

By Erwin Aguilon January 28, 2021 - 12:52 PM
(File photo) Moot and academic na o wala ng saysay para pag-usapan pa sa Kamara ang panukalang ibinasura na ng komite para bigyan ng provisional franchise ang ABS-CBN. Ito ang sinabi ni House Committee on Legislative Franchise chairman Franz Alvarez, kasunod ng paghirit ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor sa plenaryo na maisalang ang committee report hinggil sa usapin ng ABS-CBN. Sa point of order ni Defensor, nais niyang maaksyunan sa plenaryo ang committe report para sa House Bill 6732 na magkakaloob ng pansamantalang prangkisa sa ABS-CBN, na kasama sa listahan ng “unfinished business” sa calendar of business kahapon, Jan. 27. Paliwanag ni Alvarez, moot and academic na ang panukala dahil nagsusulong ito na mabigyan ng pansamantalang prangkisa ang Lopez-led ABS-CBN hanggang October 31, 2020 lamang. “The subject matter of the unfinished business in the plenary is House Bill 6732, which seeks to grant ABS-CBN a provisional franchise effective until October 31, 2020. Obviously, this is already moot and academic,” saad ni Alvarez. Dagdag ni Alvarez, ang usapin sa prangkisa ng ABS-CBN ay natapos na noong nagbotohan ang mga kongresistang miyembro ng komite at sa botong 70-11 ay nanaig na hindi pagbigyan ang franchise application ng kompanya noong July 10, 2020. Sa ilalim aniya ng House rules, ang sinuman sa 70 miyembro na bumoto laban sa aplikasyon para sa prangkisa ng ABS-CBN na maghain ng motion for reconsideration laban sa desisyon ng komite. Gayunman, sinabi ni Alvarez na walang ni-isang mambabatas ang naghain ng mosyon, kaya naging pinal na ang pasya ng House Franchise panel. Giit nito, “Under the rules, anyone of the 70 House members who voted against the franchise application could file a motion for reconsideration on behalf of ABS-CBN to challenge the decision of the Committee. Unfortunately, there was none, thus the Committee decision has become final.” Dagdag nito, base sa kanyang pagkakaunawa mula sa liderato ng Kamara, ang isyu sa ABS-CBN franchise ay mainam na ipaubaya na lamang sa susunod na Kongreso. Sa ngayon mayroong bagong panukala sa Kamara para ma-renew ang prangkisa ng broadcast giant kung saan naisalang sa unang pagbasa noong nakalipas na linggo.

TAGS: ABS-CBN, Franz Alvarez, frnchise, mike defensor, ABS-CBN, Franz Alvarez, frnchise, mike defensor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.