Pinakamababang antas ng GDP sa kasaysayan ng bansa naitala noong 2020

By Erwin Aguilon January 28, 2021 - 11:54 AM
Naitala ng bansa ang pinakamababang pag-angat ng ekonomiya sa kasaysayan matapos maitala ang -9.5 percent na GDP growth noong taong 2020. Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang 4th quarter GDP noong nakalipas na taon ay bumagsak pa sa -8.3 percent. Ang pagsabog ng Bulkang Taal, mga nagdaang bagyo at nararanasang Covid-19 pandemic ang sinasabing dahilan ng pagbagsak ng GDP ng bansa noong isang taon. Sa buong taong 2020 ang Industry Sector ang may pinakamalaking ibinagsak na umabot sa -13.1 percent habang -9.1 percent ang Services at -0.2 percent ang agrikultura Kabilang sa nagdala ng mababang antas ang ekonomiya noong 4th quarter ng 2020 ay ang Agriculture na nakapagtala ng -2.5 percent, Industry Sector na -9.9 percent at -8.4 percent naman ang Services . Bago ito, ang pinakamasamang lagay ng ekonomiya ng bansa ay naitala noong 1984 sa ilalim ng rehimeng Marcos na mayroong -7 percent.

TAGS: bagsak sa kasaysayan, gdp, National Statistician Claire Dennis Mapa, bagsak sa kasaysayan, gdp, National Statistician Claire Dennis Mapa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.