Senado hindi aapurahin ng Kamara sa economic cha-cha
By Erwin Aguilon January 28, 2021 - 11:35 AM
Hindi pipilitin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Senado na bilisan ang pagtalakay sa isinusulong na economic Charter Change o Cha-Cha.
Ayon kay Rizal Rep. Michael John Duavit, inirerespeto ng Kamara ang Senado at mga ginagawa nito.
Sa tanong naman kung personal ba niyang kakausapin si Senate President Tito Sotto na kanyang kaalyado sa Nationalist People’s Coalition sagot ni Duavit, hindi maaring gamitin ang partido para impluwensyahan si Sotto para lamang matiyak ang kapalaran ng Cha-Cha.
Pero sa panig ng Kamara, sinabi ni Duavit na pagsusumikapan nila na makabuo ng magandang produkto na patungkol sa economic Cha-Cha.
Sa ngayon, sinabi ni Duavit na may nakikita na silang numero para sa Cha-Cha, pero posibleng mabago pa ito lalo’t kritikal ang 3/4 votes na kailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.