(Photo courtesy: BOC)
Sinampahah ng kasong criminal at smuggling ng Bureau of Customs ang tatlong importers.
Ito ay dahil sa misdeclaration at illegal importation ng mga kontrabando.
Ayon kay Customs Commissioner Rey Guerrero, isinampa ang kaso sa Department of Justice laban sa Akiza One Six Eight Eight Trading, Summer Beast Enterprises Company at GT Enterprise.
Kinasuhan ang kompanyang Akiza dahil sa misdeclaration ng 100 sako ng ukay-ukay na damit, 450 sako at 150 karton ng fabrics at mga relo. Nagkunwari ang kompanya na mga gamit na surplus furniture at kitchenware ang mga kargamento.
Kinasuhan naman ang Summer Beast dahil sa illegal importation at misdeclaration ng 539 bales of used clothing habang ang GT enterprise naman ay sangkot sa smuggling ng limang shipment ng 6,000 tonelada ng ceramic kitchenware.
Sa ngayon, 112 na kaso na ang naisampa ng BOC sa DOJ laban sa mga importers at customs brokers.