11 sa 12 pasyente sa Bontoc na nag-positibo sa UK variant ng Covid 19 gumaling na

By Chona Yu January 28, 2021 - 10:49 AM

 

Nakarekober na ang 11 sa 12 pasyente sa Bontoc, Mountain province na una nang nagpositibo sa bagong UK variant ng Covid 19.

Ayon kay Bontoc Mayor Franklin Odsey, nakauwi na sa kani-kanilang bahay ang 11 pasyente.

Sa ngayon, nananatiling naka-lockdown ang limang barangay sa Bontoc.

May mga nakatayo na aniyang checkpoint para masiguro na sumusunod ang mga residente sa health protocols.

Nagpadala na rin aniya ang Department of Health ng karagdagang contact tracers para matunton ang mga taong nakasalamuha ng 12 pasyente.

Sinabi pa ni Odsey na may ginagawa na ring mass swab testing sa lugar.

Sa ngayon, 1, 157 na reisdente na sa mga apektadong barangay ang sumailalim sa swab testing.

 

TAGS: Bontoc, COVID, Franklin Odsey, UK variant, Bontoc, COVID, Franklin Odsey, UK variant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.