Magnitude 3.8 na lindol, tumama sa Ilocos Norte
Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Ilocos Norte, Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 10 kilometers Southwest ng Pasuquin.
Naramdaman ang lindol bandang 9:07 ng gabi.
27 kilometers ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
Dahil dito, napaulat ang intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity IV – Paoay, Ilocos Norte
Intensity II-Sinait, Ilocos Sur
Instrumental Intensity:
Intensity I – Vigan City
Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks sa naturang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.