Media entities at ads organization, pinatutulong sa information drive kaugnay sa COVID-19 vaccine

By Erwin Aguilon January 27, 2021 - 05:13 PM

Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. (Photo from Facebook account of Ako Bicol )

Hinimok ni Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin Jr. ang iba’t ibang advertising organizations at mga media entity na tumulong sa pagpapalaganap ng mga impormasyon tungkol sa COVID-19 vaccines.

Ayon kay Garbin, umaapela sila sa Philippine Association of National Advertisers, Advertising Board of the Philippines, Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas at ang iba pang media entities na may legislative franchise maglaan ng hindi bababa sa dalawang oras kada araw ng kanilang airtime upang makatulong sa pamahalaan at business sector sa pagbibigay-kaalaman sa COVID-19 vaccines.

Sinabi ni Garbin na naglabas na rin sila ng kaparehong apela sa mga miyembro ng Philippine Press Institute na mag-donate ng hindi bababa sa dalawang full page advertising column-inch na espasyo sa dyaryo at magazines, kada linggo para sa naturang information drive.

Pagdating naman sa cyberspace, sinabi ni Garbin na marapat na magkaroon ng mga hakbang upang mapuksa ang fake news.

Gaya na lamang sa Facebook, Twitter, Google at iba pa, na dapat kumilos laban sa disinformation, misinformation, hate speech, spamming at inauthentic online behavior hindi lamang sa mga public post kundi kahit sa private messaging apps na nagpapakalat ng fake news at kahalintulad.

Dagdag ni Garbin, mayroon ding mga nagpapakilalang “News/Media” na sa totoo lamang ay trolls, hackers, bote at bashers.

Ang mga mali at malisosyong impormasyon aniya ay labis na nakakaapekto sa mga totoong impormasyon kaugnay sa COVID-19.

Hiniling din nito sa mga vlogger, blogger at social media influencer na sumunod na media core principles and practices para sa truth-based, at tamang pagpapalaganap ng mga impormasyon hinggil sa COVID-19 vaccines at sa pandemya.

TAGS: COVID-19 response, COVID-19 vaccine information drive, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Alfredo Garbin Jr., COVID-19 response, COVID-19 vaccine information drive, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Alfredo Garbin Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.