Pagbibigay kapangyarihan kay Pangulong Duterte na suspindehin ang SSS premium hike, pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara
Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala na nagbibigay kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang nakatakdang SSS contribution hike sa taong 2021.
Sa viva voce voting ay nakapasa sa second reading ang House Bill 8512 na layong amyendahan ang Section 4 A.9 ng Social Security Act of 2018.
Sa ilalim ng panukala ay mayroong kapangyarihan ang Pangulo na suspindehin ang nakatakdang contribution increase kaakibat ng gagawing konsultasyon sa Finance Secretary na siyang ex-officio member ng Social Security Commission.
Ikukunsidera ang pagpapaliban sa SSS contribution rate increase sa panahon na nahaharap sa national emergency ang bansa.
Sa taong 2021, dapat ay naka-schedule na itaas sa 13 porsyento ang share ng employer at empleyado sa SSS contribution mula sa kasalukuyang 12 porsyento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.