Papua New Guinea nilindol

By Den Macaranas April 02, 2016 - 07:04 AM

Papua New Guinea
maps.com

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang malaking bahagi ng Papua New Guinea kaninang 5:24 ng umaga local time.

Sa ulat ng U.S Geological Survey, ang epicenter ng lindol ay natagpuan 4,000 kilometers Northeast ng isla ng Angoram na may 700 kilometro ang layo sa kapitolyo ng bansa sa Port Moreby.

Bagama’t malakas ang naramdaman na pagyanig ay hindi naman nagtaas ang tsunami alert ang mga otoridad.

Sa kabutihang palad ay wala namang naitalang namatay o nasaktan sa paglindol bahang inaalam pa ang lawak ng mga napinsalang mga ari-arian.

Ang Papua New Guinea ay sakop ng 4,000-kilometer Pacific-Australia plate na bahagi ng tinatawag na “Ring of Fire” sa rehiyon.

TAGS: earthquake, Papua New Guinea, Ring of fire, USGS, earthquake, Papua New Guinea, Ring of fire, USGS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.