Duque, umaasang mababago pa ang isip ni Pangulong Duterte na magpabakuna sa harap ng publiko

By Chona Yu January 27, 2021 - 04:31 PM

PCOO Facebook photo

Umaasa pa rin si Health Secretary Francisco Duque III na mababago pa ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawin sa harap ng publiko ang pagpapabakuna kontra COVID-19.

Sa dry run ng vaccination program sa Taguig, sinabi ni Duque na ilang lider sa ibang bansa ang nagpabakuna sa harap ng publiko.

Pero ayon kay Duque, iginagalang niya ang pasya ng Pangulo.

“Iyong biniwang salita ni Pangulong Duterte, let’s respect that, ‘yung desisyon na halintulad ng monarchy ng q ng England, the queen of England did not want to be vaccinated in full view of the public. So let’s respect that, that’s the choice of the President but hopefully he might still change his mind, because we know that there are many some world leaders who have openly have themselves vaccinated in public,” pahayag ni Duque.

Kasabay nito, sinabi ni Duque na pareho rin lang ang epekto kung ituturok ang bakuna sa puwet o sa balikat.

Unang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kaya hindi na sa harap ng publiko magpapabakuna ang Pangulo dahil sa puwet magpapaturok ang punong ehekutibo.

“Ang importanteng katanungan, Iyon bang epekto ay pareho kung maituturok mo sa braso o buttocks, pareho lang ang epekto niyan,” pahayag ni Duque.

TAGS: covid 19 vaccine, COVID-19 response, Inquirer News, President Duterte on COVID-19 vaccine, Radyo Inquirer news, Sec. Francisco Duque III, covid 19 vaccine, COVID-19 response, Inquirer News, President Duterte on COVID-19 vaccine, Radyo Inquirer news, Sec. Francisco Duque III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.