Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (January 27), umabot na sa 518,407 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 32,384 o 6.2 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,245 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
84.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.2 porsyento ang asymptomatic; 0.48 porsyento ang moderate; 2.4 porsyento ang severe habang 3.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 95 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 10,481 o 2.02 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 140 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 475,542 o 91.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.