Sen. Go: Price ceiling sa baboy at manok, inaaral na ng Malakanyang

By Jan Escosio January 27, 2021 - 02:42 PM

Kinukulit na ni Senator Christopher “Bong” Go ang Malakanyang ukol sa ilalabas na Executive Order sa pagtatakda ng price ceiling sa karne ng baboy at manok.

Pagtitiyak ng senador, binabalanse ni Pangulong Rodrigo Duterte ang interes ng mga konsyumer at negosyante.

Aniya, batid naman na maging ang mga negosyante ay apektado rin ng kakulangan ng suplay ng mga karne at hindi lang ang konsyumer na inaangal ang mataas na presyo.

Sinabi pa ni Go na alam din ng Punong Ehekutibo ang pag-alala ng mga may negosyo sa poultry industry sakaling magkaroon ng price ceiling sa mga karne.

Umapela na rin siya sa mga negosyante na huwag ituloy ang banta na itigil muna pansamantala ang kanilang operasyon dahil aniya maging sila ay tutulungan ng gobyerno na malagpasan ang sitwasyon.

TAGS: Inquirer News, price ceiling on meat products, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Inquirer News, price ceiling on meat products, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.