Australia, wala muling naitalang local COVID-19 cases

Wala muling naitalang local COVID-19 cases sa Australia.

Base sa tweet ni Federal Health Minister Greg Hunt, ito na ang ika-10 araw na sunod na walang bagong nadagdag na kaso ng nakakahawang sakit.

“Advice just received of a 10th consecutive day of zero cases of community transmission Australia wide,” saad sa tweet ni Hunt.

Bunsod nito, pinaluwag ni New South Wales (NSW) Premier Gladys Berejiklien ang coronavirus restrictions.

Kabilang dito ang mas maluwag na panuntunan sa pagsusuot ng face mask at pagdami ng bilang ng tao sa mga okasyon.

Read more...