Ayon sa kagawaran, ito ay simula nang magbalik-operasyon ang mga tren nang isailalim ang National Capital Region (NCR) sa general community quarantine (GCQ) noong June 1.
Sa datos ng DOTr, nasa 47,728,298 ang ridership ng Light Rail Transit Line 1 at 2, Metro Rail Transit Line 3 at Philippine National Railways.
Naitala ang nasabing bilang simula June 1 hanggang January 26.
Narito ang bilang ng ridership sa mga sumusunod na rail lines:
LRT-1 – 22,432,353
LRT-2 – 5,700,188
MRT-3 – 16,514,544
PNR – 3,081,213
Umabot naman sa 24 train sets ang nakakatakbo sa LRT-1 tuwing peak hours, anim sa LRT-2, 23 sa MRT-3 at 10 sa PNR.
Tuloy na ang operasyon ng mga nabanggit na rail lines sa ilalim ng partial, gradual at calibrated approach na may limitadong kapasidad, social distancing at sanitary measures.