Sunog sa Mt. Kanlaon, naapula na

By Kathleen Betina Aenlle April 02, 2016 - 05:16 AM

Kanlaon 1124 via PhivolcsNaapula na ang apoy na tumupok sa 400 ektaryang damuhan sa paligid ng bunganga ng Mt. Kanlaon ayon sa mga otoridad.

Ayon kay Negros Occidental fire marshal Supt. Rodolfo Dinaga, hindi bababa sa 60 bumbero ang nagtulungan buong araw noong Huwebes para maapula ang apoy at mapigilan na kumalat pa ito hanggang sa gubat na 4 kilometro lang ang layo mula doon.

Matapos matiyak na naapula na ang sunog, agad na pinaalis ang mga bumbero sa lugar dahil ito ay sakop ng 4-kilometer radius permanent danger zone ng bulkan.

Ani Dinaga, delikado ang lugar na iyon dahil posibleng muli na namang mag-alboroto ang bulkan at mapahamak sila.

Matatandaang noong Martes lamang ay nagbuga ito ng mga abo at mga nagliliyab na bato, na siya namang nag-sindi ng sunog sa bahagi ng bulkan sa La Castellana.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 na idineklara ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na nangangahulugang nasa state of unrest ang Bulkang Kanlaon.

Dahil dito, walang maaring pumasok sa lugar na sakop ng 4-kilometer permanent danger zone.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.