102 pang residente sa Eastern Visayas, tinamaan ng COVID-19
May 102 pang nadagdag sa bilang ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Sa datos ng Department of Health (DOH) – Eastern Visayas hanggang 10:00, Miyerkules ng umaga (January 27), umakyat na sa 13,655 ang confirmed COVID-19 cases sa probinsya.
Sa nasabing bilang, 624 o 4.57 porsyento ang aktibong kaso.
44 residente naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, umabot na sa 12,854 o 94.13 porsyento ang total recoveries sa Eastern Visayas.
Nasa 177 na ang mga residenteng nasawi o 1.30 porsyento bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.