Sen. Poe, nakipagpulong sa mataas na opisyal ng INC

By Kathleen Betina Aenlle April 02, 2016 - 05:15 AM

poe (1)Kinumpirma ni Sen. Grace Poe ang ulat na nakipagpulong siya sa isang mataas na ministro ng Iglesia ni Cristo (INC) nitong linggong ito.

Ayon sa mga sources, namataan si Poe na anghihintay sa labas ng opisina ni INC minister Eraño Cordera, kasama pa umano niya si dating Quezon City representative Mike Defensor na miyembro ng gabinete noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Tumagal pa umano ng isang oras ang naging pagpupulong nina Poe at Cordera.

Gayunman, mariin namang itinanggi ni Poe na naroon siya para hingin ang suporta ng maimpluwensyang sekta gn relihiyon dito sa bansa.

Ani Poe, isa lamang itong maiksing pag-uusap at palitan ng mga ideya, ngunit wala namang naganap na paghingi ng suporta.

Nilinaw rin ng Senadora na hindi kasama sa kaniyang campaign team si Defensor, at sinabing hindi tugma ang kaniyang krusada para sa transparency sa administrasyong kinabilangan noon ni Defensor.

Kadalasang hinahabol ng mga kandidato ang endorsement ng INC dahil sa tinitingalang kapangyarihan nito na bloc-voting ng nasa 2-milyong kasapi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.