Panukalang pagpigil sa SSS contribution hike lusot sa komite sa Senado

By Jan Escosio January 27, 2021 - 11:40 AM

Aprubado na sa committee level ng Senado ang mga panukala na ipagpaliban muna ang nakatakdang dagdag kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Ayon kay Sen. Richard Gordon, pinuno ng Committee on Government Corporations, pag-iisahin na lang niya ang Senate Bills 1965, 1970 at 1996, na na naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang pangulo na pigilin ang paniningil ng SSS ng dagdag kontribusyon sa kanilang mga miyembro.

Base sa RA 11199 o Social Security Act of 2018, isang porsiyento ang dapat na itataas sa kontribusyon sa SSS simula ngayon taon hanggang 2025.

Ang mga nabanggit na panukala ay inihain nina Senator Imee Marcos, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva at Ramon Revilla Jr.

Sinuportahan naman ang Employers Confederation of the Philippines ang mga panukala sa katuwiran na madadagdag pa sa pasanin ang pagtaas sa kontribusyon, lalo na sa mga maliliit na negosyo.

Babala naman ni SSS President Aurora Ignacio maaring lubhang maapektuhan ang SSS pension fund kung hindi itutuloy ang umento.

Sabi pa niya hindi naman sisingilin muna ng kontribusyon ang mga miyembro na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

 

 

TAGS: contribution hike, philhealth, Sen. Richard Gordon, Senate, contribution hike, philhealth, Sen. Richard Gordon, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.