Pagdinig sa P3.2B investment scam ng pamilya Gaisano laban sa DW Capital ipinababalik sa Cebu RTC ng SC

By Chona Yu January 27, 2021 - 09:08 AM

INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Inaasahang uusad na ang kontrobersyal na P3.2 billion investment scam case matapos ipag-utos ng Korte Supreme na maibalik sa Cebu City Regional Trial Court ang pagdinig sa kaso.

Sa desisyon ng Second Division ng Supreme Court na sinulat ni Associate Justice Estela Perlas – Bernabe, nakasaad na mula sa sala ni Makati RTC Judge Caridad Yee ay ipinababalik nito ang pagdinig sa kaso sa Cebu City RTC.

Ayon sa SC, walang basehan ang alegasyon ni David Wong, Chief Financial Officer ng DW Capital, na mas napapaburan ang pamilya Gaisano kung sa Cebu didinggin ang kaso.

Wala umanong “serious and compelling reason” para pagbigyan ang hiling ni Wong, lalo na’t ito’y nagtatago pa sa batas hanggang sa ngayon.

Ang kaso ay may kaugnayan sa isinampang syndicated estafa ni Valerie Gaisano Sebastian laban sa mga opisyal ng kumpanyang DW Capital sa pangunguna ni Wong matapos umanong ibenta ang kanyang mahigit 2 bilyong pisong stocks ng nang walang pahintulot ng may-ari.

Unang isinampa ni Gaisano ang kaso sa Cebu noong 2018 at naglabas ang korte ng warrant of arrest laban kay David Wong at iba pang opisyal ng DW Capital.

Umaasa naman ang pamilya Gaisano na mas bibilis na ang paggulong ng kanilang reklamo ngayon at mapabilis ang pag-aresto sa mga suspek na ngayo’y nagtatago pa rin sa ibang bansa.

Sa ngayon, tanging ang treasurer ng kumpanya na si Davidson Wong ang nakakulong sa Pilipinas matapos itong arestuhin ng Interpol sa Spain noong Enero nang nakaraang taon.

TAGS: Cebu RTC, DW Capital, Gaisano, investment scam, Makati RTC, Supreme Court, Cebu RTC, DW Capital, Gaisano, investment scam, Makati RTC, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.