Mt. Apo, ‘closed indefinitely’ na

Contributed Photo/Ryan Mark Asturias
Contributed Photo/Ryan Mark Asturias

Closed indefinitely.

Ito ang napagdesisyunang gawin ng mga otoridad sa Mt. Apo sa gitna ng nagpapatuloy na pagliyab ng malaking bahagi nito.

Isasara muna ang Mt. Apo sa trekking at iba pang kaugnay na aktibidad at hindi pa tinutukoy kung hanggang kailan.

Sa pagpupulong na ipinatawag ng Protected Area Management Board (PAMB) ng Southern at Central Mindanao, nagkaisa ang mga opisyal na isara muna ang Mt. Apo sa trekking at iba pang kaugnay na aktibidad at hindi pa tinutukoy kung hanggang kailan.

Ayon kay Davao del Sur provincial disaster risk reduction and management officer Harry Comoro, nagpasa ng resolusyon ang mga pinuno at miyembro na dumalo sa pagpupulong na humihimok sa mga local government units na may hurisdiksyon sa Mt. Apo na maglabas ng pondo.

Kukunin ang pondo sa kinita ng mga permits na ibinibigay sa mga umaakyat sa bundok, para na rin sa rehabilitasyon nito na gagawin agad oras na maapula ang sunog.

Nagkaroon din ng kasunduan na bumuo ng grupong Davao Region Incident Management Team na magpa-plano ng mga gagawin at kakailanganin para maapula ang apoy na hanggang ngayon ay nagliliyab pa rin.

Patuloy rin ang pagbubuhos ng tubig ng isang military helicopter sa nasusunog na bahagi ng bundok, kasabay ng round the clock na pagtulong ng mga volunteers.

Read more...