Economic cha-cha magiging daan upang hindi na magtrabaho sa abroad ang marami – Rep. Robes
Iginiit ni House Committee on People’s Participation Chairperson at San Jose del Monte City Rep. Rida Robes na malaki ang maitutulong ng Charter Change o Cha-Cha para sa ekonomiya.
Ayon kay Robes, alam niya na hati pa ang reaksyon ng publiko sa economic Cha-Cha dahil sa mga implikasyon nito.
Pero punto ng lady solon, sakaling baguhin na ang mga tinatawag na restrictive economic provisions sa 1987 Constitution, mas maraming foreign investments na ang mahihikayat na pumasok sa ating bansa na magreresulta naman ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Dahil dito, maiiwasan na anya ang pagkaka-watak-watak ng mga pamilyang Pilipino sapagkat mas pipiliin na ng nakararami na magtrabaho sa Pilipinas at huwag nang mag-abroad pa.
Inihalimbawa ni Robes ang sitwasyon ng ilang Overseas Filipino Workers o OFWs na todo-kayod sa abroad, pero naiiwan ang kanilang mga anak sa Pilipinas na ang iba, nasasangkot sa ilegal na droga, pang-aabuso at iba pang ilegal na aktibidad.
Giit nito, kung mas marami na ang mga maaalok na trabaho sa Pilipinas na isa sa mga inaasahang epekto ng economic Cha-Cha, mapapanatili aniyang buo ang maraming pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.