Ang naturang kawani ay Provincial Agrarian Reform Officer o Provincial Director mula sa Ifugao at kabilang sa mga dumalo sa isang planning conference ng ilang piling opisyal ng DAR sa buong Luzon.
Ang naturang planning conference ay ginaganap sa Travelers Hotel sa Subic Bay Freeport.
Ang lahat ng kabilang sa planning conference ay sumailalim sa RT-PCR test bago dumalo sa pagpupulong maliban sa naturang PD mula sa Ifugao.
Ang planning conference ay sinimulan ng January 25 at magtatapos ng a-beinte otso.
Dahil sa wala siyang RT-PCR, dinala siya sa isang quarantine hotel sa Subic Bay Freeport at doon ay sumailalim siya sa swab test at lumabas na positibo sa COVID-19.
Binigyang diin ng isang opisyal ng DAR na nakausap ng Radyo Inquirer On-Line na hindi pinapasok sa hotel ang naturang opisyal.
Napag-alaman na ang naturang DAR official mula sa Ifugao ay nagkaroon ng exposure sa isang katrabaho nito na ang asawang medical technologist ay positibo sa COVID-19.
Asymptomatic ang pasyente.
Ang lokal na pamahalaan na ng opisyal ang mangangasiwa sa quarantine ng naturang DAR official. Kukuhanin siya mula sa quarantine facility ng SBF Zone.
Dahil walang direktang exposure ang pasyente sa iba pang participants, nagpasya ang pamunuan ng DAR na ituloy ang planning conference.