Active COVID-19 patients sa Muntinlupa, nasa 57 na

Umabot na sa 5,310 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.

Batay sa datos ng Muntinlupa City government hanggang 5:00, Martes ng hapon (January 26), sa nasabing bilang ay 57 ang aktibong kaso.

360 naman ang ikinokonsidera bilang probable case at 71 ang suspected cases.

Samantala, 5,085 residente na sa lungsod ang gumaling sa COVID-19 pandemic habang 168 ang bilang ng nasawi.

Read more...