Panukala para bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na suspendihin ang premium hike ng PhilHealth, pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara

By Erwin Aguilon January 26, 2021 - 07:11 PM

Pasado na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na nagbibigay kapangyarihan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang pagtaas sa premium ng Philipline Health Insurance Corporation o PhilHealth.

Sa viva voce voting, naaprubahan ang House Bill 8461.

Sa ilalim ng panukala, aamyendan ang Section 10 ng Republic Act 11223 o Universal Health Care Act kung saan nakatakdang tumaas ngayong 2021 sa 3.5 porsyento mula sa kasalukuyang tatlong porsyento ang premium rate contribution sa PhilHealth members.

Nakapaloob sa panukala ang pagbibigay kapangyarihan sa Pangulo na i-defer o suspendihin ang scheduled PhilHealth premium rate contribution matapos ang konsultasyon sa mga Kalihim ng Department of Finance (DOF) at sa Department of Health (DOH).

Ipapatupad ang suspensyon sa PhilHealth premium rate hike kapag may national health emergency lalo na kung nakasalalay dito ang kapakanan ng publiko.

Ayon naman sa isa sa mga mayakda ng panukala na si Marikina Rep. Stella Quimbo, aabot lamang sa P12 bilyon ang mawawala sa koleksyon sa kontribusyon ng PhilHealth mula sa P86.8 bilyong inaasahang makokolekta sa taong 2021 sa members.

TAGS: 18th congress, House Bill 8461, Inquirer News, philhealth, PhilHealth premium hike, Radyo Inquirer news, viva voce voting, 18th congress, House Bill 8461, Inquirer News, philhealth, PhilHealth premium hike, Radyo Inquirer news, viva voce voting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.