3 patay, 53 sugatan, 60 nawawala sa komosyon sa Kidapawan – KMP-Cotabato

By Kathleen Betina Aenlle, Ruel Perez April 02, 2016 - 01:40 AM

Kidapawan 2Tatlo na ang sinasabing nasawi sa naging marahas na dispersal ng mga pulis sa mga magsasakang nag-barikada sa Cotabato-Davao Highway sa Kidapawan City.

Ayon sa pinuno ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) – Cotabato chapter at nanguna sa pagpo-protesta ng mga magsasaka, hindi bababa sa 30 ang nasugatan sa kanilang panig, at sinasabing may 60 pang nawawala.

Isa pa sa mga nasawi ayon kay provincial health officer Dr. Eva Rabaya, ay hinampas umano sa ulo habang ang isa pa ay na-heat stroke.

Ayon naman kay Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, 23 ang nasugatan sa panig ng mga pulis.

Samantala, hindi pa naman makumpirma ng Philippine National Police (PNP) kung ilan, o kung mayroon talagang nasawi sa pagpapang-abot ng mga magsasaka at ng mga pulis sa nasabing dispersal.

Ngunit ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Wilben Mayor, 40 naman ang nasugatan sa kanila at dalawa ang kritikal ang lagay dahil sa natamong trauma sa ulo.

Karamihan din aniya sa mga raliyista ang inaresto at kabilang dyan ang umanoy isang New People’s Army Commander na hindi pinangalanan na mula sa Brgy. Basak, Magpet, North Cotabato.

May kabuuang 5,144 na magsasaka ang nagtipun-tipon sa nasabing highway sa Kidapawan City noon pang Miyerkules ng umaga upang manwagan ng ayuda mula sa pamahalaan.

Ang mga magsasakang naroon ay pawang mga labis na naapektuhan ng pinsalang idinulot ng El Niño sa kanilang lalawigan tulad na lang ng pagka-sira ng mga pananim na kanilang ikinabubuhay.

Pagkatapos ng komosyon, tumungo ang mga magssaka sa Spottswood Methodist Mission Center para magtago at protektahan ang kani-kanilang mga sarili sa panganib na pinaniniwalaan nilang naka-amba sa kanila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.